Scene1: Thursday 12 nn…nagmamadaling umuwi galing opisina ang nanay na si Glo. Dahil napag-alaman na aalis na ang kambal para mag-enroll sa Cavite. Dali-daling binihisan ang anak na si Raine para dalhin sa opisina for the rest of the day. Empake ang “magic bag”…kumpleto ba ang gamit ng anak?: pamalit na damit, diaper, gatas, toy car, biskwit, feeding bottle etc. Bitbit si magic bag, shoulder bag at payong syempre dahil umuulan.

Scene2: Said goodbye to kambal…sakay sa dyip papuntang South Supermarket. Para bumili ng ilang gamit pa ni Raine bago tumuloy sa opisina. (praning kasi ang nanay ilang oras lang naman sa opis…kelangan enough ang gatas) Pasok sa supermarket…dampot ng gatas, biskwit, wipies…hmnnn…ano pa ba?

Scene3: Habang umiikot sa grocery at nag-iisip si Glo kung ano pa ang dadamputin, si Raine naman ay enjoy sa pakikipag-habulan. (akala nya siguro nasa park kami?!) teka parang may mali sa isip lang ni Glo: parang hindi pantay ang heels ko! Syyettt di nga pantay dahil di magkapares! Dali Raine…bibili pa ng slippers si Mommy!!!

O di ba? meron akong instant new slip-ons ngayon! Grabe mamamatay ako sa hiya. buti na lang may pera pa ako…kung wala, papasok ako sa opis o uuwi ng naka-paa. At that time gusto ko lamunin ako ng lupa. Inisip ko na lang na sana ako lang ang mahilig tumingin sa paa (o sapatos ng mga taong kasalubong ko o kasakay sa dyip. Sabi nga nung guwardiya at cashier sa grocery: buti po ma’am, di kayo hinuli ng pulis!!!