Red has always beeen my favorite color. When all my attempts on html code self-tutorial have failed, i painstakingly googled for a (free) template with a red streak on it. (read: nainggit ako sa mga nagpalit ng blog skins…he he! )
A month ago i had my hair cellophaned burgundy. (di ba pag praning ang babae, buhok ang napagdidiskitahan?!) Now they’re noticeably red and straight.
My boss is leaving, only a month to go…buhuhu…ma-mi-miss ko siya.
Umiinit ang ulo ko. Matutulog ka na lang, maliligo ka pa sa suka ni Raine. Papalitan mo ang bedsheet, ang damit niyong mag-ina, at sasapinan mo ang basang kutson para makatulog ulit kayo. Naiinis ako kay Raine, konting iyak, konting ubo…tiyak baliktad ng sikmura ang kasunod! Ok lang kung minsan, kaso gabi-gabi na lang! Ginagawa na yatang excuse yung pagsuka para makuha gusto niya. Napapa-suntok ako sa pader sa galit, grrr!!!
Maybe i’m not really fit to be a mother. I just don’t have the patience and the right heart for it. Kahit anong mangyari, di na ako mag-aanak ulit. Itago nyo ‘yan sa bato!
Kelan ba o makakatagpo pa ba ako ng lalaking may totoong paninindigan? Yung consistent ang mga ikinikilos sa mga sinasabi at totong nararamdaman. I would really love to see the day. Lagi na lang kasi…for the nth time…style nyo bulok!!