Halos maloka ako na tatlumpo’t-isang oras walang kuryente. Ngayon humahagalpak naman ako sa kakatawa. Dun ba naman sa isa kong sinulatan tungkol sa kalusugan eh merong nagtanong: ano daw ba ang mga sintomas ng kanyang hinihinalang sakit dahil nahihirapan daw siyang umihi?!
Duh?! (Haller?! — sabi nga ni Reynz) Eh nakapaglagay ka nga ng katanungan sa ilalim ng artikulong iyon, eh di siguro naman eh may kakayahan kang hanapin sa ‘mundong abot ng dulo ng mga daliri mo’ ang mga sintomas ng sakit na yan. O kaya naman eh i-text ang iyong manggagamot, di baga?!
SUSME. Gusto ko na talagang sagutin ng: kuyang…maglaga ka ng dahon ng bayabas at gawin mong tsa-a ang katas. Palagay ko makaka-ihi ka na nyan! BWAHAHAHAHA.
Naloka na yata ako dahil kay pareng frank. Pero nasa wisyo pa naman siguro ako dahil alam ko pa rin na walang sintido kumon ang taong nagsulat nyan. Hayyyy….dapat binabaril na lang ang mga ganyan! HA HA HA HA. Patawarin ako ng diyos.
Sino ang hindi mababaliw sa mga ganyan?! Buti na lang matagal na akong baliw. He he he.
July 30th, 2008 at 9:14 am
hehehe sana tinawag mo ako, i can help him ba sya? kasi kung she? yari ako hehehe
July 30th, 2008 at 9:39 am
hahahaha!